ME
BLOG


Saturday, February 20, 2010 - 11:53 AM

nagkalat ako sa la salle

kahapon, may diarrhea ako nung umaga.

it was la salle's fair yesterday. i was exited kasi it'll be the first time i'll go in the campus ng legal. we got on our way early, and we arrived in taft at around 11am-ish.

now, just to backtrack, the night before this we ate burger. the buy-one-take-one kind. naalala ko sinasabi pa nung mga bumili na nakakadiri yung kuko ni manong burger person. ako naman si 'ok lang, masarap naman e.'

so yun nga, and ending ko diarrhea in the morning. nag number 2 bago kami umalis. at dahil ako ang tipo ng tao na naniniwalang isang (loperamide) diatabs lang ok na, umalis kami ng bahay na magaan ang loob.

akala ko lang pala yun.

dumating kami ng mcdo taft at kumain. tapos joe met his friends/group mates for some school work. dun na nag-act up yung tiyan ko.

i can say, in my lifetime, never pa akong tumae anywhere but sa bahay. not necessarily sa bahay ko. may mga piling bahay ng mga kaibigan na nana-number 2-han ko. pero palaging sa bahay. kaya nung naramdaman kong kumakalam ang tiyan ko, di ko na alam gagawin.

i wanted to just go to the nearest hotel, rent a room and shit there. para private. pero di ko kinaya. so i had to number 2 sa pinaka-paborito kong kapehan: starbucks.

yun ang pinaka-una kong pagtae sa public place. at napaka-swerte ko nga naman na ang pangalawang pag-tae ko sa public place happened the same day. saan? sa loob ng la salle.

nagkalat ako sa la salle. literal.

ok lang, at least i ain't a virgin to number 2-ing sa public places na.

after i took a dump sa la salle, umayos na ang takbo ng araw.

di man ako nakapag-bungee thingy in fear of shitting accidentally, i was able to sit-in naman sa class nila joe. i even took down notes, para maganda tignan sa planner. i was able to roam around the campus not feeling guilty for once. nakakain din ako ng cheap frozen yogurt, and it ain't bad. fine, fan boy na, but i was able to meet and take a picture with one of my fave volleyball players, cha cruz.

after la salle, pumunta kami kina sam for karaoke and poker. i actually won 50php sa poker game. another first for me.

at sinabi ko nga kahapon. 'this day will go down my blogsite.' and despite the rough (or rather smooth) start, yesterday was one of the best.
ehjiboi got weird at 11:53 AM

-