ME
BLOG


Sunday, July 13, 2008 - 2:00 AM

flashback! plus other random things.

i was rummaging through my stuff kanina out of nothing to do. and i saw this black notebook from way back in high school. alam nyo yun? yung crosswise na paper na pinabook-bind satin ni mrs. cervo? yeah, that notebook. well, i found mine kanina, and it contained all sorts of my emo writing days. though medyo nakakahiya, here are some of 'em. bawal tumawa. am watching you.

---------------------------------------

'i miss you!'

i miss your smile, i miss your laugh
i miss your dimpled cheeks
i miss your sweet strawberry kiss
i miss your cherry lips

i miss the way you giggle
i miss the way you frown
i miss your light angelic voice
i miss your sweet sweet smell

i miss you, i love you
what will i do without you?
i'm getting crazy in love with you..
my angel... my life...



sabi nang bawal tumawa e. tsk. but yeah, strawberry kiss? wtf? this was dated 060805, 12:22am

---------------------------------------

'peklat'

kagabi, bago matulog
hinubad ko ang aking t-shirt
sa sorang init

syempre, napatingin ako sa aking
payak na katawan at
napansin ko ang malaking
peklat na halos umabot sa aking pusod

naaalala ko, dati pa nakatatak
ang peklat na to sa aking dibdib
nung una'y napaka sakit pa nito
at kumikirot pag hinahawakan.

hinawakan ko siya ngayon,
wala na ang kirot.

napansin ko rin na
kakaiba pala ang peklat na to,
hugis exclamation point.

exclamation point. madalas itong
ginagamit sa mga pangungusap na
sobra.

sobrang tuwa!
sobrang lunkot!
sobrang galit!
sobrang takot!

ilang taon lang naman ang
tanda ko sa peklat na to.
halos lahat ng nangyari, nakita
na nya.

lahat ng sobra at kulang.

hinawakan ko ulit ang peklat ko.
exclamation point.
wala na ang kirot.

wala na ang sakit pero
andun parin ang peklat.

ang exclamation point
na sumisimbolo ng sobrang
alaala.



weird, but i kinda sorta like it. dated 053106, 11:16pm
---------------------------------------

prose naman tayo.

'...sa tingin ko, hindi na rin ako karapat-dapat sa love. haha.. madrama noh? pero totoo... hindi ko mapapasaya ng tunay yung magmamahal sakin. tsaka, wala atang makakaintindi sa kalagayan ko ngayon...magulo kasi masyado..'

'...mahina ako... sobrang hina... kaya ako nagpapanggap..'

---------------------------------------

well there. sige, laugh all you want. i had this very stong urge to edit some of 'em, but i just couldn't. it wouldn't be the same. this is me from before. and i wouldn't be the same me now kung hindi ako dumaan sa ganito. ü

anyway! enough of the nostalgia, lemme tell you one thing. go watch mamma mia! i can't write anything about it kasi di ako makapag-construct ng maayos na sentences to describe it. it's just so damn good. it'll lift your spirits up.

what else is new about me? apat na ulit mata ko.

yun lang. ü

ehjiboi got weird at 2:00 AM

-