ME
BLOG


Tuesday, June 06, 2006 - 9:24 PM

it's been a while since i have last posted. been busy with school stuff. and get this, i haven't enrolled yet. tsk. pesky papers.

anyway, i am in the mood for a little tagalog in my post today, so here goes.

KAGABI (woot woot)
kagabi, meron akong naririnig na 'woot woot' sa may likod ng bahay. para siyang cross between a cow, a pig, and a goose (yung tunog). wala lang. medyo natakot lang kasi ako. hindi ko kasi alam kung anong hayop ang gumagawa ng tunog na ganun. creepy.

KANINA (teesyert)
kanina naman, pumunta ako sa pinaka unang GA (general assembly) ng AA (artistang artlets). syempre sa UST (university of santo tomas) yun. pero hindi tunkol sa GA (general assembly) ang gusto kong pag-usapan, kundi tunkol sa isang t-shirt.

alam niyo ba yung t-shirt na BROWN na W.I.L.D. (walang acronym toh, nawiwili lang ako sa parenthesis) yung nakalagay? W.I. sa harap at L.D. sa likod? medyo laganap na kasi yung shirt na yun. una ko siyang nakita sa may megamall, suot (malamang) ng isang nilalang. natuwa naman ako at plinanong bumili ng ganito. pero habang naglalakad, may nakasalubong pa ulit akong isa pang lalaking nakasuot ng parehong shirt. parehong araw toh ha.

okay pa naman. pero ayoko nang bilhin yung shirt.

mga ilang araw makalipas, dito mismo sa rizal, nakita ko na naman ang shirt na ito. mantakin mo nga naman. tatlong beses ata. isang beses sa mamang naka-sakay sa tricycle. sunod sa nakasalubong kong nilalang. at ang last ay ang nagde-deliver ng tubig samin.

at kanina sa UST (university of santo tomas), may nakita parin akong naka-W.I.L.D. (wala paring acronym) na shirt.

ito lang naman ang mga posibilidad eh.

una, baka sobrang sikat nang design nito. pang-masa baga.

ikalawa, yung mga nakikita kong tao na nakasuot ng W.I.L.D. (last na, natutuwa talaga ako sa parenthesis) shirt ay iisa. nagkakataon lang na palagi ko siyang nakikita.

kaw mag-isip kung ano dyan ang tama.

NGAYON (pinoy)
naaalala ko lang ang mga running jokes na kumakalat sa cellphone ngayon. yan kasi ang pinag-uusapan kanina sa meeting eh (nung wala na masyadong ginagawa).

gems yap. few lo pascual. many pacquiao. diba?

hawak ko ngayon ang cellphone. may narecieve akong message na gusto kong i-share sa lahat.

kapag ang pinoy ay naging kano.



GREGORIO TALAHIB
-george bush
TOMAS CRUS
-tom cruz
MACARIO MALDONALDO
-mcdonald
JUANITO LAKARIN
-johny walker
FEDERICO HAGIBIS
-federal express
ESTEBAN MAGTAKA
-steevy wonder
JIMMY BONDOC
-james bond
LEON MANGUBAT
-tiger woods
KASIMIRO BUKAYKAY (love it)
-cashmere boquet
BURGUS BAHAG-HARI
-burger king
TOPACIO MAMARIL
-top gun
RESTITUTO PRUTO (my personal favorite)
-tutti frutti
ROBERTO CONTROLADO
-bert control
DIOSDADO DURANTE
-deo dorant



BUKAS (tuesday)
wala pa naman akong balak para bukas. pero baka bumalik ako sa san beda. magmamadali na ako.

gusto ko nang mag-enroll.
ehjiboi got weird at 9:24 PM

-