Thursday, June 08, 2006 - 10:49 PM
DI TAMA
by gab caraon
kung ikaw ay mayaman
ako nama'y namayam
ikaw ay mabait
ako'y di makakailang tiabam
napaka-talino mo
ako'y di hamak na onilat
kung ikaw ay nasa taas
tila ako'y pilit na nasa saat
wala kang kasing kisig
ako nama'y tila gisik
ika'y ubod ng tikas
pero ako nama'y tila sakit
kung baga ika'y langit
ako nama'y tignal
kaya siguro hindi
tayo pwede
magkaiba
ang ating pagkaka-intindi
iba ka, iba ako
tila magkabaligtad tayo
ika'y aking mahal
at ako'y iyong laham
at kahit baliktarin ko ang noon
noon parin yon, hindi ngayon.