Thursday, May 25, 2006 - 9:04 PM
ASA
by gab caraon
pumikit.
umasang sa pagdilat ay mawala siya.
matulog.
at umasang sa pag-gising ay mawala ang panaginip.
umiyak.
umasang sa pagtulo ng luha'y sumabay na mawala ang nararamdaman.
punasan mo na yan.
sino bang niloko mo?
tanga tayong lahat sa pag-ibig...