Tuesday, March 28, 2006 - 4:30 PM
BO. bad odor. anghet. kahit ano pa ang itawag natin dito, isa lang ang masasabi ko: nakakasira ito ng buhay.
ang isusulat ko dapat ngayon ay patukoy sa aming nakaraang dula na ginanap sa PETA Theater noong Lingo. subalit ako'y lubusang naaapektuhan sa amoy na aking nalalanghap sa kasalukuyan. ito ay ang pamilyar na amoy ng bulok na bayabas, sobrang hinog na bayabas, at isang bagay na hindi ko matukoy pero sigurado akong hindi rin ito kanais-nais sa pang-amoy.
habang sinusulat ko ito ay nakatakip ang aking panyo sa aking ilong. sumasakit narin ang aking dibdib sa sobrang pag-pigil sa aking hininga. walang halong biro. hindi rin ako nag-eexaggerate.
ngayon, i-discuss natin ang mga sintomas kung ikaw ay merong BO.
una, ang mga katabi mo ay nagsilabasan ng panyo.
hindi na ito nakakapag-taka. ito ang gagawin nilang pangunahing sandata laban sa kinakalat mong amoy sa paligid. kung wala naman silang panyo, pede na ang kwelyo ng kanilang mga damit. susunod dito ang..
pag-takip sa kanikanilang mga bibig.
kung akala mo sa bibig talaga sila nagtatakip, mali ka. ilong ang kanilang pinapatungan ng panyo, kwelyo o kamay. ito'y upang hindi nila malanghap ang aroma ng bayabas na ngayo'y humalo na sa hangin sa iyong paligid.
ikatlo, ang kanilang di maipaliwanag na pagtingin sa iyong direksyon.
maaaring ito ay pahapyaw lamang o di kaya'y ang diretsuhang pag-tingin, pero iisa lang ang sinasabi ng mga titig na ito: &$@^&*!!! ang hirap huminga.
kung ang mga sintomas na ito ay iyong nararanasan, ipinapayo ko sa iyo na dagliang maligo at gumamit ng deodorant o di kaya'y tawas. ang BO ay isang phenomenon na talaga nga namang mahirap na makaligtaan. ito'y nakakahilo. minsan, ito'y nakakapag suka. ngunit higit sa lahat, ito ay nakakasagabal sa mga plano.
sa mga taong mei mga kaibigan o kakilalang mei BO, hindi ko iminumunkahi ang pagtawag sa kanila ng mga pangalan na tulad ng BO, Bo (bow), asim, anghet, bayabas, cubee (kyu-bee), baktol, atpb. maliban sa kayo din ay minsa'y nakakaranas nito, may mga pangyayaring ang pang-aasar na tulad nito ay naging dahilan ng isang suicide attempt.
kwento ni anne, isang incomming Communication Arts sophomore sa UST, ang pang-aasar nila sa isang kaklase ay nagdulot dito ng isang negatibong pag-iisip at sinabing dahil sa pang-aaasar sa kanya ay nasira na ang kanyang buhay.
sabihin ang kanyang problema sa pamamaraang hindi ito masyadong masasaktan. pwede mo itong sabihin bilang isang payo o di kaya'y isang joke. basta't siguraduhing hindi ninyo ito masyadong masasaktan.
tandaan. ang BO ay maiiwasan. ito'y ating labanan.
huwag natin itong pagtawanan.
isang payo mula sa Department of Mental Maladies: UST chapter.