ME
BLOG


Sunday, March 12, 2006 - 10:55 PM

blink. blink. blink.

ang kindat ng cursor.

blink. blink. blink.

'kumusta ka na?' ang sabi nito sakin.

'okay naman. etoh, nag-iisip.' sabi ko.

'ano naman iniisip mo?'

'madami.'

'gano kadami?'

'kasing dami ng mga taong naglalaro ng DOTA.'

'nako, ang dami nga noon. bakit dumami ng ganun ang mga iniisip mo?'

'hindi ko alam eh. naguguluhan na talaga ako.'

'naguguluhan saan?'

'sa mga naiisip ko. sa mga nararamdaman ko.'

'ano naman ang nararamdaman mo?'

'nalulunkot ako.'

'bakit ka nalulunkot?'

'kasi nagsasaya ako ngayon. pero nawawala yung dahil ng pagsasaya ko eh.'

'saan naman ito napunta?'

'teka, dami mo nang tanong ah. pano ka ba nagsasalita eh cursor ka lang?'

'hindi lang ako cursor, ako rin ang boses sa loob ng utak mo. sideline ko lang maging cursor.'

'ah.. bakit cursor pa. pede namang mouse.'

'ayoko maging mouse, palagi kang hawak sa leeg ng mga tao. hindi ka free.'

'eh bakit..'

'sandali nga, ikaw may problema dito eh, ba't ka nagtatanong?'

'sorry naman.'

'oh, balik na tayo sa usapan. saan napunta yung sinasabi mong dahilan?'

'iniwan ako, pinaalis ng katahimikan.'

'hala, may katahimikan ka ng sinasabi dyan. explain mo nga.'

'hindi kasi ako magaling magsalita eh.'

'bakit ayaw mong magsalita?'

'hindi ko naman sinabing ayaw ko eh, sabi ko di ako magaling.'

'oo, mali na koh.. bakit nga?'

'kasi, hindi ko alam ang sasabihin.'

'sigurado ka?'

'oo.'

'talaga?'

'...'

'uulitin ko, sigurado ka?'

'hindi.'

'eh ano yung totoong dahilan?'

'...kasi siguro natatakot ako sa sasabihin ko.'

'bakit naman?'

'baka kasi malaman niya na hindi ako talaga ganito palagi.'

'anong hindi ganyan palagi?'

'na hindi talaga ako palaging nakangiti. sinanay ko lang ang sarili ko.'

'oh, ano naman kung malaman nya yun?'

'natatakot ako. baka mag-bago siya.. sila. ang alam kasi nila, palagi akong masaya. kaya yun ang pinapakita ko sa kanila.'

'masama yan. dapat maging tapat ka sa kanila.'

'ibig mong sabihin, dapat hindi na ko ngumiti? eh ikaw nga cursor lang eh, marunong ka bang ngumiti?'

'hindi ko naman sinabing wag ka nang ngumiti. tignan mo ako. cursor nga ako. ang alam ko lang ay ang ang kumindat. pero nasasabi ko ang gusto ko, at masaya ako dun.'

'buti ka pa... pano mo ba ginagawa yun? ang sabihin ang gusto mo?'

'simple, hinahayaan ko ang mga taong tignan ako. yung totoong ako.'

'isang linyang kumikindat?'

'oo. isang linyang kumikindat.'

'hindi ka nahihiya? hindi ka natatakot?'

'bakit naman ako mahihiya o matatakot. ganito talaga ako eh. wala na silang magagawa tunkol dun. tanggap na nila ang totoong ako.'

'ako. pano nila ako matatanggap?'

'kung mahalaga ka sa kanila, matatanggap ka nila.'

'kahit yung nakalipas ko?'

'kahit anong parte pa nang alaala mo.'

'eh pano siya?'

'mahal mo siya, hindi ba?'

'oo.'

'magpakatotoo ka sa kanya.'

'...'

'oh, natahimik ka?'

'wala lang.. salamat ah? makikita pa ba kita? makakausap pa ba kita?'

blink. blink. blink.

kindat ng cursor.

blink. blink. blink.
ehjiboi got weird at 10:55 PM

-