ME
BLOG


Wednesday, February 15, 2006 - 4:25 PM

blog. blog. blog.

hay, kakatapos ko lang basahin ang isang libro na puno ng mabuting karunungan at maraming kagaguhan. Stainless Longganisa. Bow.

kung mapapansin nyo, ako'y nagsusulat gamit ang wikang Pilipino at hindi ang nakaugalian ko ng English. ito'y upang malaman ko kung mas babasahin nyo ang aking mga posts kapag sila'y tinagalog.. pero wala akong balak mag-tagalog habang buhay. titignan ko lang naman.

si bob ong. isa sa mga taong hinahangaan ko. taena, hayup kasi magsulat. katunayan nyan, lahat ng libro niya ay binasa ko.. kahit mahigpit nya itong pinagbabawal. kanina ko lang natapos yung pinaka-huli. kahapon ko sinimulan. kaya siguro sumasakit ang ulo ko ngayon kasi hindi pa ako masyadong natutulog. anong ginagawa ko sa harap ng pc? wala naman, nilulubos ko lang ang isang araw na pwede kong gamitin para mag-sulat. bawal kasi akong magka-sakit. alam mo na, theater diba?

ayan. theater. AA. hindi ko parin nabibili, nahihiram, o nananakaw ang mga extra costumes para sa play namin. nag critic's night kasi kami nung lingo (kahit hindi yun night). at sinabi sakin ng direktor namin na si kuya jon montes ang mga karagdagang costumes na dapat bilin. tulad ng:

ayon. ilan palang yan. at lahat ng yan, pagkakasiyahin ko sa budget na 536php. ayos.

mapunta tayo sa usaping fourth year. si adrian. kilala mo siya diba? fourth year na rin siya. kaka-monthsary palang namin nung nakaraang lingo. sa bahay nila ako matutulog.

akala ko normal lang ang araw (o gabi) na yun. patulog na kasi kami nun eh. kakatapos ko lang maligo. eh malamig kaya naghanap ako ng kumot. sabi niya, sa 3rd floor nalang ulit kami.

fact: dun kami huling natulog.

mabalik sa usapan. sa second floor kasi kami nun. hindi kami kaagad umakyat kasi 'madumi ang third floor.' eh sa 3rd floor lang daw may kumot, kaya umakyat kami.

ayan, paakyat na kami. nung binuksan ko ang pinto.. may mga rose petals na nahulog. sa palibot ng kama ay mga kandila at mas marami pang rose petals.

dun ako kinausap ni adrian tunkol sa naging problema namin nung nakaraan (refer to the previous post). naramdaman niya kasi na parang nabalewala ko siya nung hindi ko sinabi sa kanya yung problema ko. sinabi ko ang rason. ang iba pang detalye, sikreto nalang. hehe, nabitin ka noh?

dun ko din nalamang hindi lang 6 months ang itatagal ni adrian sa london. 2 years pala. shet. dalawang taon un. third ear na (sana) ako nun. kakayanin ko bang magkahiwalay kami ng ganun katagal? oo. kaya ko. sigurado na ko dun.

2 araw akong hindi nakauwi. kina Mingu na kasi ako natulog pagkatapos ng rehearsals sa bahay nila kinabukasan. nakakatuwa yung mga alumni. natutuwa din sila sakin. hehe.. unang beses kong maging vendor ng agimat sa quiapo at may mga natuwa na sakin. ayos.

nakauwi ako ng bahay, umaga na ng tuesday. nag-taxi na ko. jhe kasi ung dala kong mga costumes. para akong naglayas sa laki n bag na dala ko. hindi ko na tinigilan ang pagbabasa ng Stainless Longganisa pagdaing sa bahay. kaya naman masakit ang ulo ko.

blog. blog. blog.


ang librong tunkol sa libro.
ehjiboi got weird at 4:25 PM

-