Friday, October 16, 2009 - 11:42 AM
Eto Lang ni gab caraon
eto na naman ako
isang bato
isang batong nakahimlay sa dalampasigan
laging nakatingin sa lawak ng dagat
laging nangangarap na balang araw ay marating din
ang mga narating niya
laging umaasang balang araw ay dalhin ako ng alon
sa ibang lugar
at sumabay sa sayaw ng pag-agos ng buhay
eto na naman ako, nangangarap.
pero eto nga ako. isang bato.
mabigat. matigas. hindi makagalaw.
at hindi tulad ng dagat na madaming nagagawa,
ako na isang bato ay hindi man lang kayang lumuha.
Monday, October 05, 2009
- 8:29 AM
disaster
just recently, typhoon Ondoy hit the Philippines and brought chaos all over the country. rizal is one of the places where the storm did the most damage.
i'm from rizal.
---------------------------------------
so i was sleeping soundly on my bed. ginising ako ng boses ng kapatid ko. eh hindi pumapasok usually mga tao sa kwarto ko kasi baka mabangasan ko sila. to my surprise (oh yes, what a surprise) pinapaligiran na ako ng tubig baha. hindi binabaha bahay namin, kahit sa labas. tas ngayon ayan, pinasok na kwarto ko. ah, oo nga pala. yung kama ko pala nasa lapag lang. gaddemet.
tumayo ako agad sa kama ko, very thankful that i didn't leave my phone on the floor, and
sa labas nakakumpol mga tao sa bahay ko. umupo nalang kami sa may set nang walang magawa. naiakyat naman namin yung mga ibang appliances tulad ng computer. pero wala na kaming magawa about the fridge. madami ding nasirang mga damit at sapatos.
sa labas, nag ala rio grande yung agos ng baha. mukhang hanggang sa crotch ko na nga e. di ko nalang triny for very obvious reasons.
matagal kami sa labas. matagal naming hinintay na bumaba yung tubig. awa ng diyos, by the end of the day, halos wala ng baha sa bahay namin. we started to salvage things na pwede pa naming pakinabangan.
---------------------------------------
mukhang ang lala no? pero wala pa yan sa dinanas ng iba. meron dyan lumubog ang BUONG bahay sa baha. walang naisalba kundi ang mga sarili nila. even my dad's house went under water. they were able to save the TV, but everything else, wala na. major repairs ang kailangan para dito. and the the thing is, i need to help my dad and his family. ang sama ko namang anak kung hindi. but i need to sacrifice things para dito. masakit...
oh well. ho-hum. buti nalang buhay pa pamilya ko. yung iba... alam nyo na.
grabe no? kasabay ng pag-agos ng ulan ay ang pagbuhos ng luha ng mga taong nasalanta. kasama ng mga gamit na nadala ng baha ay ang mga pangarap at mga planong di na matutupad. nakakagulat. nakakalunkot.
ang kaya nalang nating gawin ay magtulungan. magtulungan at umasa.