ME
BLOG


Monday, May 12, 2008 - 3:16 PM

"There's nothing like puking with somebody to make you into old friends.' - Esther, The Bell Jar

ok so now that i am done with the interesting, catchy introduction, let's get on with the content.

last saturday, i went to our high school grand alumni homecoming (at least that's what it says on the tarpaulin) held at Parkridge sa may Volleygolf. una sa lahat, ang hirap pumunta dun sa place. yes there are services sa gate ng Volleygolf, kaso lang to get to Parkridge you must pay 40php. at dahil mabait ako at wala na akong choice, i paid the amount at lahat ng kasabay ko na 7php lang ang binayad ay makaka abot na din sa Parkridge. i pretended na 1st time kong pumunta dun para mukhang nakaka awa at may excuse ang pagtatanong ko ng directions. so nung umaandar na kami, the woman in front of me kept telling about the surroundings.

'maganda yung resort kasi malaki.'

'dito puro foreigners kasi seminaryo.'

'pag-dating dito, golf course na.'

'hanggang dito lang yung binabayad na minimun.'

ayun, so dapat pala hanggang dun lang sila sa may baba. pero anyway i just smiled and looked kind and said thanks to the people for showing me around.

pag-dating dun sa location, i heard music. i followed the music instinctively pero i stopped before i reached the top of the landing kasi kasal pala yung pinupuntahan ko. sa kabila yung event namin.

there they were, my old teachers. it's kinda weird seeing all of them, most of them doesn't look any different from the last time you saw them. i said hi to them. madalas hindi hi yung sagot nila e, tinatanong nila kung masakit yung piercing ko sa kilay. i get the idea that they never really saw me doing things like getting a piercing or drinking or smoking or having sex. to be honest, i never saw them doing any of those stuff too.

after smiling my way out, hinanap ko na yung mga ka-batch ko. apat palang sila at nasa bababa sila, nagkokodakan.

we did some catching up, usap dito about what keeps us busy. binalikan namin yung mga kalokohan namin dati.

let's skip the program because it's boring. let's stick to the conversation i had with my old schoolmates.

pinaalala nila sakin na napakaloko ko pala dati. pinapako ko yung libro ng isa naming classmate sa desk nya. ang lakas kong mang-asar. there was this one time pa nung first year na bumagsak ako sa isang class, sa Values Education pa.

'Caraon, 74....'

silence.

'Valle, 74....'

bagsak ka din? appear!

asteeg. come to think of it, ang tagal na panahon na din pala no?

nung high school, nasa 1st section ako palagi. at kahit hindi man halata sa intsura ko ngayon, i never lit a smoke or drank beer back then. i'm in to those things now.

ang weird pati kasi kahit 20 years old na ko, natatakot parin akong mahuli ng mga teachers ko na nagyoyosi. so nung nandun pa ko sa party, palagi akong lumalabas to sneak a yosi.

that party solidified the fact that change really is constant. change is inevitable.

at kahit ayaw mong magbago, wala ka nang magagawa kasi nagbago ka na.

i went home with the help from a man from a higher batch who gave us a ride to the gate. nag-taxi ako papuntang tomas morato because i'm gonna be having coffee with mingu and other members of Kada.

na-realize ko, the world is getting bigger. and i am glad to have puked with people who i became friends with.


ayos.

barf. what a cheesy ending. ΓΌ
ehjiboi got weird at 3:16 PM

-