Monday, April 28, 2008 - 5:28 PM
yosi
lights. reds. menthol. chocolate. melon. orange. apple. strawberry. ang sarap pakinggan no? parang pagkain lang. pero ang mga nakasulat sa taas ay mga klase o lasa ng yosi.
di ko na din matandaan kung kelan ako nagsimulang mag-yosi. siguro a little over 4 years ago, nung 1st year college palang ako. at masasabi kong i'm a natural. kasi unang try ko palang wala nang sabit. at unang try ko palang na mag blow ng smoke rings, smoke rings agad ang lumabas.
kung nakilala nyo ko na ang gamit kong yosi ay menthol, siguro within a year palang kitang kakilala. pero kung lights ang inabut nyong una kong niyoyosi, mga mag aapat na taon na din tayong magkaibigan.
di ko alam kung bat ako nagyoyosi. siguro mentalidad ko nalang din ang nagsasabing ipagpatuloy ko to. mentalidad ko nalang din ang gumagawa ng excuses kung bakit patuloy parin akong hithit-buga araw-araw, gabi-gabi, oras-oras (wala nang minu-minuto, OA na e).
oo. nakaka adik ang yosi. pagsumusweldo nga ako, medyo nacoconsider ko na ang yosi sa pagbubudget e. pagkinakabahan ako, yosi. pagnagagalit ako, yosi. pagnaiinis, yosi. pag walang magawa, yosi.
naging kasama ko na ang yosing menthol ng matagal na panahon. pero isang araw nalang nagising ako na ayaaw ko nang mag menthol. lights na ang hinahanap ko. posible pala talaga ang pagbabago na walang dahil. basta gusto mo lang. baka wala lang. basta may nagbago at wala ka nang magagawa.
pagbabago man yan sa yosi o sa kahit ano pang bagay.