ME
BLOG


Sunday, February 10, 2008 - 10:32 PM

caramel macchiato

nasa jeep ako noon pauwi nang biglang pumasok sa isip ko ang mga salu-salong ideya.

una sa lahat, biglang pumasok sa utak ko (ulit) kung gaano na ako tumanda. ang jeep na sinakyan ko kasi ay galing sa may ortigas extension, dun sa ever. bago pa dun ay sumakay naman ako ng taxi na nanggaling sa eastwood city, libis. nanggaling ako dun kasi binalak kong kunin ang certificate of employment ko. kailangan ko kasi yon para sa susunod kong papasukang trabaho, kaso di ko nakuha kasi kailangan pa daw ng 3 working days para ma-process ang sinabing papeles.

pangalawa, ano nga ba ang ibig-sabihin ng ash wednesday? kasi 20 years na pala akong nakakakita ng mga taong nagpalagay ng cross sa noo kaso di ko parin alam kung para saan yun. hindi ho ako namimintas ng relihiyon a. curious lang talaga ako. hindi ko talaga alam, kung may magandang loob na magpapaliwanag sa akin, salamat.

pangatlo, dati lamang ay hindi ko maisip na ako'y magsisimulang manigarilyo. dahil ako'y palaging kasama sa pilot section noong highschool at elemntary, talaga namang itinatakwil ko ang sinasabing bisyo. pag may marining akong ka-iskwela na nagyoyosi manlalaki ang mata ko at hahanap ng kaklaseng masasabihan ng 'si (toot) daw naninigarilyo. kadiri no?' ngayon, nakaka-tatlo hanggang apat na sticks ako ng yosi sa isang araw. nung nagtatrabaho pa ko mukhang lagpas pa. isama mo na din ang pag-inom. medyo malakas na ko sa mga bisyong dati lamang ay hindi ko matanggap.

pang-apat, mahirap man tanggapin subalit wala nang pang-apat.

ah, nasan yung caramel macchiato? nasa kamay ko habang ako'y nakasakay sa jeep. hindi ko kasi nainom kasi.... hindi ko alam. basta di ko maubos e.

sige na.
ehjiboi got weird at 10:32 PM 1 weirdos

-